Upang mapangalagaan ang pamilya at ari-arian sa lindol
|
Mahalaga na gawin ng bawat isa ang naaangkop na kilos nang hindi nagpa-panic o nag-iingay upang malimita sa minimum ang pinsala kapag nagkaroon ng lindol.
Upang mapangalagaan ang pamilya at ari-arian, ugaliing magsanay sa kilos sa oras ng lindol sa pamilya at kumpanya.
|
Panukat ng intensidad o tindi ng lindol
|
|
Hindi mararamdaman ng tao ang pagyanig.
|
|
Makakaramdam ng kaunting pagyanig ang ilang taong nasa loob ng bahay o gusali.
|
|
Makakaramdam ng pagyanig ang maraming taong nasa loob ng bahay o gusali, at uugoy nang kaunti ang mga nakabiting bagay tulad ng ilaw at iba pa.
|
|
Makakaramdam ng pagyanig ang halos lahat ng mga taong nasa loob ng bahay o gusali.
Maaaring tumunog ang mga pinggang nasa estante.
|
|
Makakaramdam ng matindi-tinding takot, uugoy nang malakas ang mga nakabiting bagay, tutunog ang mga pinggang nasa estante, at maaaring matumba ang mga dekorasyong hindi nakapirmi nang mabuti. |
|
Magtatangka ang maraming tao na iligtas ang kanilang sarili.
Matutumba ang mga dekorasyong hindi nakapirmi nang mabuti, at maaaring mabasag at mahulog ang salamin ng bintana.
|
|
Makakaramdam ng sukdulang takot. Maaaring mahulog ang TV mula sa patungan nito. Guguho ang maraming blokeng pader na hindi pinatibay. Maraming lapida ang matutumba.
|
|
Masisira at mahuhulog ang tiles ng pader at salamin ng bintana sa marami-raming gusali.
Maaaring matibag ang gusaling yari sa kahoy na mahina ang resistensya sa lindol.
Maaaring magkaroon ng pagkabiyak ng lupa, pagguho ng bundok at iba pa.
|
|
Masisira at mahuhulog ang tiles ng pader at salamin ng bintana sa maraming gusali.
Maaaring matibag ang gusaling yari sa reinforced concrete na mahina ang resistensya sa lindol.
Maaaring magkaroon ng pagkabiyak ng lupa, pagguho ng bundok at iba pa.
|
|
Maaaring tumagilid at lubhang masira kahit ang gusaling malakas ang resistensya sa lindol.
Magkakaroon ng malaking pagkabiyak ng lupa, pagguho ng lupa at pagguho ng bundok, at maaaring mabago ang anyo ng kalupaan.
|
Nagkaroon ng lindol! Kung nasa loob ng bahay o gusali
|
|
Kung nasa loob ng bahay o gusali sa oras na nagkaroon ng lindol, kusang loob na magsagawa ng aktibidad para makaiwas sa sakuna upang masiguro ang kaligtasan.
|
 |
 |
Kung nasa loob ng bahay o gusali sa oras na nagkaroon ng lindol, kusang loob na magsagawa ng aktibidad para makaiwas sa sakuna upang masiguro ang kaligtasan.
|
 |
 |
 |
 |
 |
-
Gawin ang pagpatay ng apoy, tulad ng pagsara ng balbula atbp. ng kasangkapang gumagamit ng apoy at iba pa
-
Buksan ang bintana at pinto, at mag-ipit ng bagay na madaling gamitin upang hindi ito magsara muli
-
Gumapang sa ilalim ng mesa at iba pa upang masiguro ang sariling kaligtasan
-
Huwag mag-panic at sumugod palabas
-
Huwag gamitin ang elevator atbp. sa paglikas
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
Nagkaroon ng lindol! Kung nasa labas
|
 |
Kapag nagkaroon ng lindol, may mahuhulog na tiles ng bubong at salamin ng bintana, at matutumbang blokeng pader. Protektahan ang ulo gamit ang bag, libro atbp. at kung malapit sa mukhang matibay na gusali, malawak na parke at iba pa, pansamantalang lumikas at mag-antabay doon.
|
 |
Kapag nagkaroon ng lindol, may mahuhulog na tiles ng bubong at salamin ng bintana, at matutumbang blokeng pader. Protektahan ang ulo gamit ang bag, libro atbp. at kung malapit sa mukhang matibay na gusali, malawak na parke at iba pa, pansamantalang lumikas at mag-antabay doon.
|
 |
 |
 |
 |
 |
-
Kung nasa department store at iba pa, sundin ang utos ng staff at lumikas
-
Sa underground mall, nakalagay sa loob ng 60 m na pagitan ang mga labasan,
at iilaw ang panggabay na ilaw kahit mawalan ng kuryente, kaya't mahinahong sundin ang utos ng staff
-
Kung sa sinehan, dumapa sa pagitan ng mga upuan at hintayin ang paggabay ng staff
-
Kung nasa platform ng estasyon ng tren, protektahan ang ulo at sumandal sa poste o pader
-
Kung nahulog mula sa platform, humingi ng saklolo para magpahila pataas,
o dumapa sa pagitan ng riles at platform at mag-antabay doon
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
Pag-uwi sa bahay mula sa malayong lugar
|
|
Maaaring mahirapang umuwi sa bahay ang mga taong malayo ang pinapasukang trabaho o eskuwela dahil sa regulasyon sa trapiko at iba pa.
Gawing batayan ang "Pangalagaan ng sarili ang sarili," gumawa ng sapat na paghahanda mula sa karaniwang panahon, at umuwi sa bahay habang nagsisikap sa pagsiguro ng sariling kaligtasan.
|
 |
 |
 |
 |
 |
-
Una sa lahat, huwag mag-panic, huwag mag-ingay kundi tiyakin ang sitwasyon
-
Maglagay ng portable radio sa bulsa upang makakuha ng tamang impormasyon
-
Maghanda ng pagkaing madaling kainin tulad ng tsokolate, caramel at iba pa
-
Kung natiyak ang kaligtasan ng pamilya at iba pa, huwag puwersahin ang pag-uwi sa bahay
-
Kung uuwi sa bahay, iulat sa pamilya o kakilala ang dadaanan sa pag-uwi sa bahay
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|