Mga nakaraang sakuna ng pagbaha |
Isa ang Mie Prefecture sa mga namumukod na pook kung saan maraming ulan, na may 3000-4000 mm na nakasentro sa timog na bahagi ng prefecture mula sa Owase hanggang sa rehiyon ng Ōdaigahara, at may katangian na labis na maraming malakas na dagliang pag-ulan. At dahil sa heograpikong kondisyon ng Mie Prefecture, madalas itong daanan ng bagyo, at nagdulot ng malaking pinsala ang mga bagyo sa nakaraan.
Ipinapakita sa talahanayan ang tungkol sa mga pangunahing sakuna ng napakalakas na pag-ulan na nakapinsala sa Mie Prefecture pagkatapos ng digmaan.
|
 |
Pangyayari ng sakuna Petsa (taon, buwan at araw)
|
Uri ng sakuna
|
Pinsala sa tao (katao)
|
Pinsala sa gusali (bilang ng gusali)
|
Namatay
|
Nawawala
|
Nagtamo ng injury
|
Ganap na nasira o ganap na nasunog
|
Bahagyang nasira o bahagyang nasunog
|
Inanod at nawala
|
Binaha ang bahay
|
May bahaging nasira
|
Set. 25, 1953
|
Bagyo blg. 13
|
44 |
6 |
2491 |
1282 |
4953 |
436 |
69626 |
|
Set. 26, 1959
|
Bagyo sa Ise Bay
|
1233 |
48 |
5688 |
5386 |
17786 |
1399 |
62655 |
|
Set. 9–10, 1971
|
Napakalakas na pagdagsa ng ulan sa timog na bahagi ng Mie Prefecture
|
42 |
|
39 |
66 |
33 |
|
1762 |
8 |
Hul. 11–Ago. 3,
1982
|
Windstorm at malakas na ulan dulot ng seasonal rain front, Bagyo blg. 11 at low pressure area
|
22 |
2 |
31 |
69 |
105 |
|
11405 |
76 |
Set. 10, 2000
|
Napakalakas na pag-ulan
|
1 |
|
1 |
|
2 |
|
3189 |
|
 |
Ang Sakuna ng Napakalakas na Pag-ulan sa Tokai noong Setyembre 10, 2000 dahil sa epekto ng Bagyo bilang 14 at ng autumn rain front ang sakuna ng napakalakas na pag-ulan na nagdulot ng malaking pinsala sa mga kamakailang taon. Nagdulot ang Napakalakas na Pag-ulan sa Tokai ng malaking pinsala tulad ng pag-apaw ng mga ilog na nakasentro sa Lungsod ng Nagoya sa Aichi Prefecture, at bago pa ito sa alaala, ngunit nagdulot din ito ng malaking pinsala sa Mie Prefecture.
Sa Mie Prefecture, mula noong gabi ng Setyembre 10, 2000, nagkaroon ng matinding pag-ulan sa iba't ibang lugar sa prefecture, at inilabas ang babala sa malakas na ulan at pagbaha sa lahat ng pook liban sa rehiyon ng Iga. Naitala ang dami ng ulan mula nang magsimulang umulan sa 501 mm na pinakamarami sa prefecture sa Miyagawa, at 331 mm sa Lungsod ng Kuwana. Sa distrito ng Tomita sa Lungsod ng Yokkaichi, nagkaroon ng pinsala ng bahang mas mataas sa sahig dahil sa pag-apaw ng mga ilog, at inilabas ang panawagan para lumikas sa lahat ng pook at iba pa. Nagkaroon din ng pagguho ng bangin sa 9 na lugar, at maraming kalsada ang isinara sa trapiko. Sa transportasyon, sinuspindi rin ang mga tren at bus, na nakaapekto nang malaki sa mga nagko-commute sa trabaho o sa eskuwela. Dagdag pa rito, 25 paaralan sa prefecture ang nawalan ng pasok.
|
 |
 |
 |
 |
1-chōme Yasujima, Lungsod ng Yokkaichi
Sa harap ng museo sa Chūō street
|
 |
Suwa-chō, Lungsod ng Yokkaichi
Pambansang Highway Route 1
|
 |
 |
 |
Suwasakae-machi, Lungsod ng Yokkaichi
Sa harap ng dating JUSCO sa Chūō street
|
 |
Suwasakae-machi, Lungsod ng Yokkaichi
Sa harap ng dating JUSCO sa Chūō street
|
 |
 |
 |
Suwasakae-machi, Lungsod ng Yokkaichi
Chūō street
|
 |
Hinaga, Lungsod ng Yokkaichi
Krosing ng Kintetsu Utsube Line
|
Mula sa: Dibisyon ng Pag-iwas sa Sakuna, Departamento ng Pangkalahatang Ugnayan, Yokkaichi City Hall
|
|